Friday, April 06, 2007
Holly Week
When I was a young my father used to tell us pag Semanasanta umpisa pa lang ng Lunes Santo wala na raw maglalaro or tatakbo sa labas at loob ng bahay kasi daw pag nasugatan ka or what ever hindi daw gagaling at dapat daw iginagalang ang araw ng paghihirap ni Kristo. Wala kang maririnig na music at ang iyong maririnig lang ay yung pasyon. Every year nag iiba ang paggunita sa Mahal na Araw sa ngayon ang celebrate na lang yata eh Holly Thursday and Good Friday. Before Lunes Santo pa lang wala ka makikitang lumalabas ng bahay at walang naglalaro or tumatakbo sa daan tahimik na tahimik.Here in America is different hindi sila nagse celebrate dito Easter lang (linggo ng pagkabuhay) I remember when I was in the Philippines my kids and I used to go to prusisyon (Biyernes Santo) bumibili kami ang candle. Ang start ng prusisyon eh 5:00 o'clock 1 kilometer mula sa church at balik uli sa church, on Holly Thursday ang dami ang nagpipinitensiya kasi panata na nila yon meron may pasan ng krus, may hinahagupit ang sarili at may nagpapapako sa krus para daw kahit papano eh mabawasan ang kanilang kasalanan. Kung saan may pasyon dun may pakain ay doon nagpupunta ang mga tao dahil yung pagkain daw na iyon ay may blessing. Huwebes Santo maraming nag-aalay lakad papunta ng simbahan yung iba naman eh papunta naman ng White Cross dun sila natutulog. Miss ko natalaga ang Pilipinas sometime I want to say ibalik niyo ko sa Pilipinas kasi naman yung mga selebrasyon don yung ang nami-miss ko at yung mga food I think that its for now medyo mahaba na ng konte Happy Easter everyone
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment